polyphonic (pó•li•fó•nic) 1: may dalawa o mahigit pang independiyenteng bahagi 2: sa titik at iba pa, kumakatawan sa mahi-git na isang tunog.
polyphony (po•lí•fo•ní) 1: estilong polyphonic sa akdang pangmusika 2: ak-dang isinulat sa ganitong estilo 3: ang pagsagisag ng magkakaibang tunog sa pamamagitan ng parehong titik o karakter.
polypropylene (pó•li•pró•pi•lín) : alinman sa mga polymer ng propylene kabílang ang mga materyales na thermoplastic na gina-gamit sa mga negatibo ng pelikula, fiber, o mga materyales sa pagmo-molde
polyrhythm (pó•li•rí•dem) 1: ang paggamit ng dalawa o mahigit pang ritmo nang magkaka-sabay 2: ang daloy ng musika sa gayong paraan.
polysaccharide (pó•li•sá•ka•ráyd) : carbohydrate, gaya ng starch, insulin, cellulose, at iba, na nagtataglay ng higit sa tatlong gamit ng monosaccharide sa molecule.
polysyllabic (pó•li•si•lá•bik) 1: sa salita, nagtataglay ng maraming pantig 2: nagsasaad ng paggamit ng mga salitang maraming pantig.
polysynthetic (pó•li•sin•té•tik) 1: nagsasaad ng wikang natatangi sa kombinasyon ng ilan o lahat ng elementong sintaktiko ng pa-ngungusap sa isang salita 2: binubuo ng serye ng kambal na mga kristal na nagsanib upang makalikha ng estrukturang magkakadikit.
polytechnic (pó•li•ték•nik) : institusyon ng mataas na edukasyon na nagbibigay ng mga kurso sa mara-ming aralin, lalo na sa agham at tek-nolohiya.
polytetrafluoroethylene (pó•li•tét•ra• fló•ro•é•ti•lín) : matigas, translucent polymer na lumalaban sa mga kemikal at may mababàng coefficient ng friction, ginagamit sa gaya ng selyo o bering