power (pá•wer) 1: kapang-yarihan 2: ang product na nakukuha sa pagmultiplay ng kanti-dad sa numero nitó nang isa o higit pang ulit 3: a ang paggawâ o ang enerhiya na naililipat kada yunit ng oras (symbol P) b ang antas ng oras sa paggawâ.
power block (pá•wer blak) 1: pangkat ng mga bansa na bumubuo ng pandaigdigang puwer-sang pampolitika 2: makapangyari-hang pangkatin.
powerhouse (pá•wer•haws) 1: power station 2: tao, pangkat, koponan, at katulad, na may matin-ding lakas at husay.
power of attorney (pá•wer of a•tór•ni) : nakasulat na doku-mento na ibinibigay ng isang tao o partido sa iba upang pahintulutan ang hulí na kumilos para sa kapakanan ng una.
power plant (pá•wer plant) 1: planta, kasáma ang mga mákiná, dinamo, at iba pa, kabílang ang gusali na kailangan upang makalikha ng koryente 2: ang mga makinarya na nagsusuplay ng koryente para sa isang partikular na proseso o paraang mekanikal.
power play (pá•wer pley) : estratehiko at karaniwang agresibong pagkilos, gaya sa isports, politika, at negosyo.
power point (pá•wer poynt) 1: socket sa dingding at iba pa, para sa pagkonekta ng mga elektrikal na kasangkapan 2: uri ng program.
power politics (pá•wer pá•li•tíks) : paggamit ng lakas o impluwen-siya upang patatagin ang posisyon at pag-ibayuhin ang kapangyarihan.
powwow (páw•waw) 1: seremonya, lalo ang may kasámang mahika, pista, at pagsasayaw, na idinaraos upang gamutin ang maysakít o upang magtagumpay sa digmaan o pangangaso 2: tao na nagsasagawâ nitó.