po•sú•ka : baging na payat, bilóg, at makinis ang sanga; manipis, mabulo, at hugis itlog ang dahon; at madalang ang bulaklak.
pos•wé•lo 1: maliit na balon 2: tásang porselana, karaniwang ginagamit na lalagyan ng sabaw kape, tsaa, at kauri
potassium (po•tá•si•yúm) : reaktibo at metalikong element na malambot at tíla putîng pilak ang kulay (atomic number 19, symbol K)
potassium nitrate (potassium nitrate) : putîng krista-linang salt, maaaring natural o lik-hang sintetiko at ginagamit bílang abono, bílang preserbatibo ng karne, at bílang isang sangkap ng pulbura
pot-au-feu (pó•tow•fú) 1: sopas na karaniwang nilalahukan ng nilagang báka at gulay at iniluluto sa kaldero 2: malakíng kalderong pi-naglulutuan nitó.