pó•tos•tát 1: kasangkapan para sa paggawâ ng potograpikong kopya ng dokumento, ilustrasyon, at katulad 2: kopyang ginawâ sa pamamagitan nitó
pot•pót 1: pagbálot sa dulo ng espada, ng basáhan, balát, o lubid upang hindi makasugat 2: pag-aalis ang balát ng bulak.
potpourri (pów•pu•rí) 1: pinaghalo halong pinatuyong talulot at rekadong ginagamit na pampa-bango ng silid, at iba pa 2: pinagsáma-sámang akdang pangmu-sika o pampanitikan.
pottery (pá•te•rí) 1: mga sisidlan at iba pang yarì sa hinurnong luad 2: sining ng paggawâ nitó 3: pook na gawaan nitó.
pouch (pawts) 1: maliit na bag o natatanggal na bulsa sa labas 2: lumaylay na bahagi ng balát sa ilalim ng matá 3: bahagi ng katawan ng mga marsupial na mistulang bulsa at pinaglalagyan nilá ng kaniláng anak na pinasususo.
poultry (pól•tri) : inaalagaang ibon, gaya ng manok, itik, bibe, pabo, o pugo para sa itlog at karne ng mga ito.
pound (pawnd) 1: yunit ng timbang na katumbas ng 0.4536 g 2: pangunahing yunit ng salapi sa United Kingdom at iba pang bansa.
pounder (páwn•der) 1: bagay o tao na nagtataglay ng tiyak na timbang 2: baril na nagtataglay ng mga bálang may tiyak na bigat.