Presbyterian (prés•bi•tér•yan) : pinangangasiwaan ng mga pari na may magkakapantay na ranggo, lalo at may kaugnayan sa pambansang simbahan ng Scotland.
presbyterianism (prés•bi•té•ri•ya•ní• sim) : anyo ng protestanteng simbahang pinamamahalaan ng mga paring presbyterian.
presbytery (prés•bi•té•ri) 1: silangang bahagi ng altar ng simba-han lagpas sa koro 2: a lawas ng mga presbitero b distritong kinakatawan nitó 3: tahanan ng paring Romano Katoliko.
pre•sén•si•yá 1: kalagayan o katunayan ng pagiging nása isang tiyak na pook sa isang hatag na panahon 2: a kalagayan o kondisyon ng pagdalo b pag-iral 3: pook na naroon ang tao 4: a anyo o ayos ng isang tao b lakas ng personalidad ng tao
pre•sen•tas•yón 1: tanghal1-3 2: pagpapakilála, gaya ng tao kung nása korte 3: paghahandog, paghahatid, o pagkakaloob, gaya ng regalo
pre•ser•bá 1: a ilayo o iligtas mula sa panganib, pagkabulok, at katulad b panatilihing buháy o umiiral 2: panatilihin ang isang bagay sa kasalukuyang kalagayan nitó 3: panatilihin, gaya ng kalidad o kondisyon 4: a gamutin o palamigin, gaya ng pagkain, upang hindi mabulok o umasim b sa prutas, pakuluan nang may asukal upang maiimbak nang matagal 5: ipagbawal na gamitin nang pribado, hal ipreserba ang ilog at bundok.
pre•sér•ba•tí•bo 1: anumang nakapagpa-panatili o nakapangangalaga 2: prepa-rasyong may sustansiyang kimika at ginagamit sa pag-iimbak ng pagkain at iba pa upang hindi masira 3: gamot na nakapangangalaga sa kalusugan o nakahahadlang sa karamdaman