preset (prí•set) 1: itakda o ayusin, gaya ng aparato, bago paandarin o gamitin 2: ayusin o pagpasiyahan nang maaga.
preside (pri•sáyd) 1: gumanap sa posisyon ng awtoridad, lalo bílang pangulo ng isang pulong 2: pamunuan, gabayan, kontrolin.
pre•si•dén•te de sá•la : noong panahon ng Espanyol, hukom na namamahala sa kamarang kri-minal o sibil ng real audiencia.
presidential immunity (pre•si•dén•si• yál im•yú•ni•tí) : kara-patan ng pangulo laban sa paghahab-la ng sinumang mamamayan sa karaniwang hukuman.
presidium (pri•síd•yum) : tumatayông komiteng tagapagpaga-nap sa bansang komunista, gaya sa dáting Soviet Union.
pre•síd•yo 1: noong panahon ng Espanyol, bal-warte na itinatag sa mga estratehikong pook upang lumakas ang pamaha-laang Espanyol 2: bilangguan 3: panahon ng pagkakakulong nang mahigit sampung taon.
pre•sín•to 1: distrito o himpilan ng mga pulis para sa administratibo at katulad na gawain 2: isa sa mga tiyak na bílang ng distrito para sa botohan
pré•si•pís•yo 1: matarik na mukha ng talampas, bundok, at katulad 2: sit-wasyon na may matinding panganib
pré•si•pi•tas•yón 1: pagmamadalî o pagpapadalî sa kilos, pamamaraan o aksiyon 2: paghihiwalay ng isang substance mula sa buong anyo nitó at nabubuo sa atmospera gaya ng ulan, niyebe, at katulad
prés•krip•si•yón 1: direksiyon, karaniwang isinulat ng doktor o parmasyutiko, para sa paghahanda at paggamit ng gamot 2: ang gamot na inihatol ng doktor
press 1: kilos o halimbawa ng pagdiin 2: a aparato para sa pagdiin, pagpatag, paghubog, o pagkatas, hal trouser press; flower press b mákináng nagbibigay ng presyur sa isang bagay sa pamamagitan ng isang kagamitan upang makalikha ng hubog o magbaliko 3: limbágan2 4: a sining o praktika ng pag-iimprenta b ang mga pahayagan at peryodista sa kabuuan o pangkalahatan 5: kom-panya ng publikasyon, hal UP Press.