prima ballerina (prí•ma bá•le•rí•na) : pangunahing manana-yaw na babae sa ballet o sa kom-panya ng ballet.
pri•ma•bé•ra 1: spring1 2: punongkahoy (Cybis-tax donnelsmithii) na salítan ang dahon at biluhaba at malukong ang bulaklak.
pri•ma•dó•na 1: pangunahing babaeng mang-aawit ng opera 2: tao na madalîng magbago ang isip at labis ang pagpapahalaga sa sarili.
primary (práy•ma•rí) 1: ang unang yugto o antas ng pagsulong, gaya sa antas primary ng edukasyon 2: pangkat ng kulay na maaaring paghaluin para bumuo ng ibang kulay 3: panimula, gaya sa unang pahid ng pintura
primate (práy•meyt) 1: mammal (order Primates) na kina-bibilángan ng lemur, malmag, unggoy, at tao 2: arsobíspo.
prime (praym) 1: pinaka-mahusay na yugto o kalagayan 2: pinakamahusay na bahagi 3: ang simula o unang antas ng anumang bagay 4: sa paglilimbag, ang bantas (*’) na ikinakabit sa titik bílang simbolo para sa minuto o piye.
prime (praym) 1: ihanda ang isang bagay para gamitin o kumilos 2: ikasá ang baril o ihanda ang bomba para pasabugin 3: langisan ang bomba upang gumana 4: ihanda, gaya sa kahoy, para pintahan sa pamamagitan ng pagpapahid ng substance na makapipigil sa pag-sipsip ng rabaw sa pintura 5: bigyan ng impormasyon ang isang tao.
prime (praym) 1: pinakama-halaga 2: pinakamahusay 3: a sa numero, nahahati lámang ng sarili nitó at ng kaisahan, hal 2,3, at 5 b sa numero, walang karaniwang salik kundi ang kaisahan.