press conference (pres kón•fe•réns) : isang pakikipanayam na may pahintulot o paanyaya ng isang kilaláng tao o opisyal sa isang pang-kat ng mga peryodista nang sabay-sabay sa isang itinakdang pook at oras.
press release (pres re•lís) : opisyal na pahayag na ipinararatíng sa mga pahayagan para magbigay ng impormasyon.
pressure cooker (prés•yur kú•ker) : kasangkapang gawâ sa metal at ginagamit sa pagpapalambot ng karne, páta, at kauri.
pres•tí•hi•yó 1: reputasyon o impluwensiya na mula sa tagumpay, ranggo, o iba pang kaaya-ayang katangian 2: karangalan o reputasyon ng isang tao o bagay na kinikilála ng publiko
presumption (pri•sámp•syon) 1: pagiging hambog 2: a pag-akala na totoo ang isang bagay b ang bagay na inakalang totoo 3: batayan para sa akala 4: ang hinuha mula sa mga batid na katotohanan.
prés•yur 1: pagga-mit ng puwersa sa isang bagay sa pamamagitan ng pagdagan, pagdiin, at katulad 2: ang aksiyon ng puwersa laban sa salu-ngat nitóng puwersa 3: bigat sa isip at katawan 4: kalagayan ng pagma-madalî upang makaabot sa takdang petsa o oras