preview (prív•yu) 1: paunang pagtatanghal ng pelikula, dula, at katulad bago ang takdang-araw ng pagpapalabas o pagbubukás sa publiko 2: paunang pagpapalabas ng maikling eksena o tagpo sa pelikula, programang pantelebisyon, at katu-lad, upang magsilbing patalastas 3: anumang nagbibigay ng paunang idea o impresyon ng darating.
Priapus (prá•ya•pús) 1: diyos ng fertilidad 2: diyos ng halá-manan at patron ng mga magdaragat at pastol.
prí•bi•lé•hi•yó : tanging karapatan, bentaha, kalayaan, o benepisyo na ipinagkakaloob o tinatamasa ng isang tao, pangkat, o uri
price control (prays kon•tról) 1: halagang itinakda ng pamahalaan para sa pangunahing bilihin 2: pagtatakda nitó.