protractor (prot•rák•tor) 1: ang nagpapatagal 2: instrumento para sa pagguhit ng anggulo, karani-wang nása anyong kalahating bilóg na may antas antas na mga guhit 3: kalamnan na nagiging sanhi upang umusli ang bahagi nitó.
prove (pruv) 1: sumubok o subukin 2: magpatunay o patunayan 3: magpatotoo; patibayan 4: patunayan ang kawastuan ng tumba-san, kalkulasyon, at katulad.
Proverbs (prá•verbs) : sa Bibliya, aklat na naglalamán ng mga kawikaan na pinaniniwalaang isinu-lat ni Solomon.
pró•vost 1: tao na hinirang o itinalaga upang mamunò o mangu-na 2: administratibong opisyal sa alinmang kolehiyo o unibersidad, may mataas na ranggo, at siyang may kinalaman sa mga kurikulum dito.