pag•si•sim•bá 1: pagpunta sa isang banál na pook upang maghandog ng álay 2: sa mga Kristiyano, pagpunta sa simbahan para lumahok sa mísa 3: pananalangin o paglahok sa ritwal ng pagsampalataya.
pag•si•si•wá•lat : kilos o paraan upang ilitaw o ipaalam sa ibang tao ang isang sekreto, anomalya, o ulat
pag•sú•bok 1: súbok 2: hakbangin na may layuning tiyakin ang kalidad o kahusayan ng isang bagay 3: tangka1,2 o pagta-tangka