pag•ta•ta•mà 1: kilos para ipasok o ilapat ang isang bagay sa isa pang bagay 2: pagwa-wasto sa isang malî.
pag•ta•tan•dâ 1: paraan ng paglalagay ng panandâ o marker 2: pagtandâ2 3: paraan ng pag-kuha ng aral mula sa isang nagdaang karanasan.
pag•ta•ta•ngì 1: paraan ng pagbubukod sa karaniwan o karamihan 2: pagbibigay ng higit na pansin at pribilehiyo o ng kabalig-taran
pag•ta•ta•ním 1: kilos, paraan, o panahon ng pag-lalagay ng taním sa lupa sa bukid 2: pagsasaisip ng samâ-ng-loob 3: anumang mabuting bagay na gina-gawâ sa ngayon para pakinabangan sa hinaharap.
pág•ta•ta•nóng 1: paraan ng sunod-sunod na tanong o usisa lalo na ang may layuning makakuha ng mga personal o lihim na impormasyon 2: pagpapahayag ng tanong o ng mga tanong.
pag•ta•ta•pós 1: huling yugto ng anuman, hal pagta-tapos ng karera o timpalak 2: pagiging buo o yarî na 3: gradwasyon.