pag•tan•dâ 1: pagka-karoon ng gulang na matanda o pagtaas ng bílang ng edad 2: paraan o kakayahan na magsaulo o gumu-nita
pag•ta•ngá : pagiging saksi sa isang pangyayari ngunit hindi lumalahok o walang ginagawâ para maging kalahok.
pag•ta•pát 1: pagpu-westo ng sarili sa harap o kaharap ng isang tao o bagay 2: pagpunta sa isang pook sa pamamagitan ng pinakamaikli at tuwirang daan.
pag•ta•ta•ás 1: kilos upang itaas ang kamay o ang isang bagay sa pamamagitan ng kamay 2: paraan ng pagpapalaki ng presyo 3: paraan ng pagbibigay ng higit na mataas na ranggo, puwesto, o suweldo.
pag•ta•ta•bí 1: kilos para umupô, humiga, o matulog nang malapit sa isa’t isa 2: kilos para ipuwesto ang isang sasakyan sa tabi ng daan 3: pagtatago o pag-iimpok ng isang bagay, karaniwang salapi o yaman para sa kinabukasan.
pag•ta•ta•é 1: hindi mapigil na paglabas sa puwit ng anumang lamán ng tiyan dahil sa hindi wastong pagkain, tensiyon, at ibang sanhi 2: anumang katulad na pang-yayari, gaya ng pagtatae ng pansulat.
pag•ta•tag•pô 1: pagkikíta ng dalawang tao, sinadya man o hindi sinasadya 2: paghaharap ng dalawang magkaaway.
pag•ta•ta•kíp 1: paglalagay ng takíp 2: pagdudulot ng proteksiyon sa isang tao, lalo na upang ilingid ang kaniyang kasa-lanan.
pag•ta•ta•la•gá 1: kilos o paraan ng pagpapanumpa sa tungkulin o pagpupuwesto ng isang tao para magtrabaho sa isang pook 2: paglalaan ng isang bagay , para sa isang layunin.