pág•su•sú•lit 1: isang nakasulat o pabigkas na pag-subok para matukoy ang kahusayan o kaalaman ng isang tao, hal sa pag-aaral o pagtatrabaho 2: anumang kahawig na pagsubok, hal pagsusulit sa kalu-sugan at pagsusulit sa hukuman 3: pagsasauli, lalo na kung marami ang bílang at mahalaga ang dapat isauli.
pag•su•sú•long 1: kilos para itulak ang isang bagay sa kaharap na direksiyon 2: kilos para ipagpatuloy ang isang gawain o proyekto.
pag•ta•gú•an 1: magtago dahil ayaw makipagkíta sa ibang tao 2: itago ang lihim sa ibang tao 3: gamitin ang isang pook para sa pagtatago.
pag•ta•la•gá 1: paghanda sa anumang mangyayari 2: paghahandog ng sarili para sa isang tungkulin o gawain.