pá•hu•la•án 1: iba’t ibang uri ng laro na gumagamit ng husay sa paghulà, hal tinatakpan ang matá ng isang tao at pinahuhulaan kung sino ang kaniyang kaharap 2: pook para sa mga manghuhula.
pá•hu•lí 1: may ugali na dumating nang huli 2: tumutukoy sa tanim o pagtatanim na kasunod ng regular na panahon ng pagtata-nim.
pá•ig 1: pag-iiwan ng damit na basâ 2: pagiging iníp dahil sa matagal na paghihintay 3: pagiging lubhang tuyô, lalo na ng pagkain dahil sa labis na pagluto o pagpa-painit
pa•ig•kás : kasangka-pan, karaniwang metal na nananatili o bumabalik sa dating ayos o anyo matapos hilahin, batakin, o alisin sa kinalalagyan nitó
pa•i•kót 1: hinggil sa distansiya sa paligid 2: hinggil sa mga bagay na pumapaligid sa isang tao, bagay, o pook.
pa•i•lak•bóng 1: paghahagis paitaas ng isang bagay, katulad ng bato o pagtudla ng palaso 2: pagiging hambog sa pagsasalita na tila naghahagis ng mga salita sa hangin