pa•hin•tú•lot 1: pagsang-ayon na isakatuparan ang isang bagay 2: pormal at nakasulat na awtori-sasyon sa tao upang gawin ang isang bagay
pa•hi•nú•ngod 1: handog o alay para sa Diyos, o para sa anu-mang banal na adhikain 2: sa simbahang Katoliko Romano, ang pag-aalay ng tinapay at alak para sa Diyos sa Eukaristiya 3: anumang pag-aalay para sa kawanggawâ
pa•hi•yás 1: tumutukoy sa hiyás na ibinigay o ipinagamit sa isang tao 2: mamahálin at magagan-dang palamuti.
Pa•hi•yás : pistang bayan sa Quezon na ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagsasabit ng makukulay na kiping sa dingding o bintana ng bahay bílang pasasalamat kay San Isidro de Labrador tuwing 15 Mayo.