pa•lí•gang : lupang saka-han na hinahayaang magpahinga at hindi tinataniman nang ilang taon upang maging matabâ ito.
pa•lí•gid 1: ang guhit na hanggahan sa labas ng isang pook 2: ang hanggahan o panlabas na rabaw ng isang pigura o espasyo 3: mga ba-gay at kalagayang nakapaikot sa isang tao o isang bagay
pa•lig•píg 1: pagpagpag upang maalis ang tubig o dumi 2: tao na lubhang mahigpit o lubhang maya-bang.
pa•li•hán, pa•lí•han 1: bakal na bloke na makinis ang rabaw, ginagamit sa paghubog ng metal sa pandayan 2: sanayan na nagbibigay diin sa palitang-kuro, pakitang turò, at prak-tikum
pa•li•hís-da•án : katahimikan, isang salitang metaporiko hinggil sa paglihis sa tunay na daan at pagla-lakad sa damuhan dahil mas magin-hawa dito.