Palestine Liberation Organization (pá•les•tín li•bi•réy•syon ór•ga•ni•zéy• syon) : organisas-yong pampolitika at pangmilitar na nabuo noong 1964 upang pag-isahin ang mga pangkat ng ilang Arabeng Palestino
pa•lé•ta 1: tabla na manipis, karaniwang biluhaba, may bútas na hugis hinlalaki sa isang dulo, at ginagamit ng mga pintor sa pagha-halò ng mga kulay 2: anu-mang lapad na rabaw na ginagamit ng pintor sa ganitong gawain 3: set ng kulay na nakalagay dito 4: kutsára3 5: maliit na pála 6: dahon ng sag-wan 7: tiniban, kawayan, o tablang ginagamit sa pagpapatag ng linang na punlaan pagkatapos masuyod 8: kasangkapang gina-gamit sa pagpapaputik sa punlaan.
pa•lî 1: organo sa tabi ng bituka at may tungkulin hinggil sa pangwakas na pagsira sa mga puláng corpuscle ng dugo, pagsa-là at pag-iimbak ng dugo, at produk-siyon ng mga lymphocyte 2: pílat.