palindrome (pá•lin•drówm) : salita o parirala na nanatili ang ispe-ling, pabalik mang basahin ang mga titik, hal nása bayabasan
pá•ling 1: pag-tagilid o pagpihit ng katawan o ulo 2: pag-patay ng silab o ng kandila 3: paghakbang nang mahahabà.
pa•li•pád-há•ngin 1: pahayag, karaniwang hin-di nagtatapat, na nagsasabi ng pag-ibig o paghanga para marinig ng pinatutungkulang babae 2: bóla4 3: isang uri ng kulam para akitin ang isang tao.
pa•lí•pas-ó•ras : tumutukoy sa bagay na ginagawâ ng isang tao para lámang may magawâ at lustayin ang panahon.
pa•lí•pas-pá•god 1: tumutukoy sa bagay na nagbibigay ng pagkakataon sa isang tao para mamahinga 2: tumutukoy sa maik-ling panahon ng pahinga sa pagitan ng mahabà at mahirap na trabaho.