pa•lít 1: pag-bibigay ng isang bagay upang tumang-gap ng katumbas na bagay 2: a kámbiyó4,5 b Kom pagtutumbasan ng dalawang magkaibang salapi ng bansa 3: paghalili o pag-tupad sa tungkuling ginagampanan ng iba 4: paglalagay ng panghalili sa isang bagay na nawala, namatáy, napinsala
pá•lí•tang-ku•rò : malayang pagpapalitan ng kuro hinggil sa isang paksa, maaaring pangkatan o pagtatanong ng mga na-kikinig pagkatapos ng isang pana-yam
pa•li•táw : kaka-níng tíla puto, gawâ sa galapong na malagkit, pinakukuluan sa tubig hanggang lumutang, at kinakaing may kasámang niyog, asukal, at linga.
pa•lit•pít : pahinto-hintong huni at siyap ng idaw, signos na may masamâng mangyayari sa anumang balakin.
pa•li•wá•nag 1: pahayag o ulat na lumilinaw sa isang bagay 2: katwiran o dahilan para sa isang kilos o paniwala