senna (sén•a) 1: alinman sa mga malalegumbreng yerba, palumpong, o punongkahoy (genus Cassia) 2: alinman sa mga nakapu-purgang gamot na kinabibilángan ng pinatuyông dahon ng halámang ito
sen•sás•yon 1: pagkamálay o pagdamá ng lagay ng katawan o ng mga bahagi nitó 2: sandali ng pagkamálay na ito
sen•sas•yo•na•lís•mo 1: paraan ng pagsulat o pagtatanghal na naglalaro sa damdamin ng madlá 2: teorya na nagmumula lámang sa mga pandamá ang mga idea
sense (sens) 1: pandamá 2: kakayahan na makadamá 3: kagyat na pag-unawa sa isang bagay o dalumat 4: sentido komun 5: kahulugan1 6: nangingibabaw na opinyon
sen•si•bi•li•dád 1: kakayahang makadamá 2: kabilísan o katalásan ng málay 3: pamantayan o diwang pang-moral, pandamdamin, o pansining