sensible (sén•si•ból) 1: rasonable2 2: a namamalayan ng pandamá b may kasapatan upang madamá o mapahalagahan 3: praktikal at may silbi
sen•si•tí•bo 1: nagtataglay ng sensásyon 2: maramdámin1 3: matinding sensibilidad 4: kaugnay ng mga pandamá o sensásyon 5: mabilis na maapektuhan ng mga agent tulad ng pelikula 6: nahihinggil sa mga lingid na aktibidad o impormasyon, lalo na ang itinataguyod ng gobyerno 7: ginawâ upang matukoy ang napakaliit na mga pagbabago, tulad ng termometro
sén•sor 1: aparato na tumutukoy o sumusúkat sa mga pisikal na katangian o penomena 2: pagputol o pagbabawal sa itinuturing na hindi kanais-nais, hal pagpútol sa pelikula o pagbabawal na malathala ang isang akda 3: tagasuri ng mga babasahin, pelikula, palatuntunan sa telebisyon, radyo, at iba pa
sensual (sén•swal) 1: nahihinggil o nakabatay sa mga pandamá 2: mahilig sa kalugurang pandamá o sa pagtatamasa ng láyaw ng katawan 3: nagpapahiwatig ng katangiang sensuwál 4: hinggil sa sensasyon 5: umaayon sa doktrina ng sensásyonalismo
sensuous (sén•su•wús) 1: nahihinggil, nagmumula, o nakaaapekto sa pandamá, lalo na ang ukol sa sining 2: madalîng maapektuhan ng mga pandamá