sén•yas 1: anumang nagbibigay ng hudyat at babalâ, gaya ng ilaw sa trapiko 2: a anumang pinag-usapan o pinagplanuhang aksiyon b napagkasunduang senyal na nagpapahiwatig ng impormasyon, gabay, at katulad, lalo na kung mula sa may kalayuan 3: aksiyon, pangyayari, o katu-lad na nagpapasimula ng isa pang aksiyon 4: a impulse na elektrikal o along-radyo na ipinadadalá o natatanggap b magkakasunod na serye ng mga ito 5: habàng-alon na naipadadalá at nakukuha 6: teknikal na simbolo na ginagamit sa alhebra, musika, at katulad 7: a kilos o muwestra na nagpapahiwatig ng impormasyon, utos, pakiusap, at katulad b muwestra na ginagamit sa sistema ng sign language c sign language 8: board na itinatanghal sa publiko, karaniwang naglalamán ng impormasyon 9: password 10: alinman sa labindalawang dibisyon ng zodyak na ipinangalan sa mga konstelasyong dáting nilalamán ng mga ito, hal Aries o Cancer 11: pagiging positibo o negatibo ng isang bílang o numero
sen•yo•rí•ta 1: titulo o pantawag sa dalaga 2: baril na maliit 3: uri ng saging na maliliit ngunit napakatamis ng bunga