side-effect (sayd ef•fékt) : hindi inaasahan, karaniwang hindi kanais-nais, na epekto o bunga, hal sa gamot
side-issue (sayd ís•yu) : sa pag-uusap o argumento, punto na lihis sa higit na mahalaga at nakapag-papagulo sa pinagtutuunang pansin
sideline (sáyd•layn) 1: linyang tumutukoy sa gilid ng isang palaruan 2: gawain o negosyo bukod sa pangunahin at regular na trabaho 3: pook na hindi mahalaga
siderite (si•de•ráyt) 1: anyong mineral ng ferrous carbonate 2: meteorite na pangunahing binubuo ng nickel
side-stroke (sayd is•trówk) 1: istrok túngo sa o mula sa isang panig 2: pangkaraniwang kilos 3: sa paglangoy, pagkampay nang nakata-gilid ang lumalangoy
side-swipe (sayd swayp) 1: malakas na pagsagi mula sa gilid 2: pasaring na pagsasalita nang matalas, hal sa kausap