sí•law 1: nangyayari o nadaramá ng matá kung tumitingin o tinatamaan ng malakas na liwanag 2: panganganino ng sinuman sa kapuwa, karaniwang likha ng palagay na nahihigtan
sil•bá•to : instrumentong naglalabas ng matinis na tunog sa pamamagitan ng hininga at karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng senyas
sil•fí•de 1: napakaliit at marikit na nilaláng na nanana-han sa papawirin 2: sinumang may gayong katangian, gaya ng babaeng balingkinitan at maganda
silhouette (sí•lu•wét) 1: representasyon ng balangkas ng isang bagay na nasisipat sa dalawang panig 2: ang balangkas o kabuuang hugis ng anuman