si•lín•dro 1: bahagi na nagdudulot ng puwersa sa piston ng mákiná 2: isang solidong bagay na may pabilóg na anyo at mga gilid na tuwid at magkakapantay 3: harmonika
sí•ling-pu•lá : uri ng sili (Capsicum frutescens grossum) na hugis kampana ang bunga at ginagawâng gulay
si•líp 1: pagpapalit, tulad halimbawa ng yelo na magiging tubig 2: pagdatíng, halimbawa ng tubig sa bahay kung may daanan
sí•lip 1: pagtingin sa bútas o pagkakíta sa pamamagitan ng bútas , o siwang ng bintana 2: madaliang pagtúngo at paglisan sa isang pook