si•ni•gáng 1: putahe ng karne, isda, hipon, at iba pa na may sabaw at may paasim na tulad ng sampalok, bayabas, o kamyas 2: tinola1
si•nig•wé•las 1: punongkahoy (Spondias purpurea) na nalalagas ang mga dahon kapag namunga 2: tawag sa bunga nitó
sí•ni•kó : tao na naniniwala na pansariling interes lámang ang nagtutulak sa pasiya at pagkilos ng tao kayâ hindi matanggap ang anumang kilos na may marangal o hindi makasariling dahilan
sí•ning 1: kalidad, produksiyon, o ekspresyon ng anumang maganda, kaakit-akit, at may kahalagahang higit sa karaniwan alinsunod sa mga prinsipyong estetiko 2: mga bagay na nilikha ayon sa pamantayang estetiko, gaya ng pintura, at eskultura 3: uri o kategorya ng sining hal, sayaw at eskultura 4: anumang larangan na gumagamit ng kasanayán o malikhaing pamamaraan 5: prinsipyo o metodo na gumagabay sa anumang uri ng kasanayán o pag-aaral 6: kasanayán o kahusayan sa pagsasagawa ng anumang aktibidad