sinking fund (síng•king fand) 1: salaping ibinubukod para sa unti-unting pagbabayad ng utang 2: pondong binubuo ng salaping itinatabí nang paunti-unti o may pagitan, karaniwang ipinamumuhunang may interes o tubò, upang ipambayad ng utang, at iba pa
si•nók : mabilis at di-sinasadyang pagpasok ng hangin sa bagà na nakapagdudulot ng matunog at paputól-putól na paghinga
sí•nop 1: pagiging maingat at malinis sa pagplaplano at paggawâ ng isang bagay 2: sikap sa pagtitipon ng mga bagay na pakikinabangan