sín•saw-sin•sá•wan : baging (Cissampel pareira) na ginagamit ang himaymay sa paggawâ ng lubid at ang katas ng ugat bílang lason sa isda
sin•sáy 1: pagsasabi o pagpapahayag ng di-pagsang-ayon sa pahayag ng iba 2: pag-sasabing mali ang iba 3: pagsuway sa utos o pasiya
sin•sín : kalagayan ng anumang masinop ang pagkakadikit-dikit, gaya sa sinsín ng paghábi ng tela o paglála ng banig
sin•ta•bì : salitâng-ugat ng pasintabi at nagsasaad ng paggálang, lalo na kung humihingi ng pahintulot
sin•ták 1: larong itinatálang ang maliliit na bato upang pagkaraan ay saluhin kasabay ng pagdampot ng ilang naiwan sa sahig 2: paghila nang biglaan 3: pagbánat sa madeha ng bulak gamit ang mga daliri hábang hinahampas ito 4: pagpilì ng ipa sa itinatahip na bigas 5: isang mahapding pagsakit ng dibdib 6: bingwít