sín•te•sís 1: pagsasaayos ng magkakahiwalay na mga bahagi túngo sa kabuuan 2: sa operasyon, paghuhug-pong ng mga bahaging magkakahi-walay, gaya ng isang organ 3: artipisyal na pagbubuo ng mga compound, lalo na ng mga organikong compound
sin•té•ti•kó 1: binuo mula sa synthesis ng mga kemikal, lalo na upang gayahin ang produk-tong likás 2: hindi totoo 3: sa lohika, may katotohanan o kasinungalingan na napatutunayan ng karanasan 4: paggamit ng kombinasyon ng mga payak na salita o elemento sa masalimuot na mga salita
sin•tu•rón : pahabâng piraso ng balát o ibang materyal na itinatalì nang paikot sa baywang o pahilis sa dibdib para pumigil sa damit, para suksukan ng daláng sandata, o bílang sinturong pangkaligtasan