si•yé•te ko•ló•res 1: uri ng ilahas na kalapati (Caloenas nicobarica) na bihira nang makíta at may madilim na lungting balahibo hanggang buntot bagaman may kapansin-pansing isang kuwadradong putîng buntot 2: pipít-mayáman
si•yé•te pe•ká•dos : sa tradisyong Kristiyano, pitóng pangunahing bisyo ng tao, na binubuo ng kapalalúan, pag-iimbot, libog, inggit, kasibaan, galit, at katamarán
si•yó•koy : nilaláng na anyong laláki ang katawan ngunit tíla isda ang ulo at may kaliskis ang katawan
si•yó•may : uri ng putaheng giniling na karne na binálot sa mani-pis na másang wanton, at pinasisingawan o ipiniprito
si•yó•paw : tinapay na hugis bilóg, putî, malambot, pinalamnan ng karne, at pinasisingawan upang maluto