slalom (is•lá•lom) 1: karera ng ski sa isang palikô-likông daan na may mga artipisyal na harang 2: karerahan ng mga bangka, kotse, skateboard, at katulad
slapstick (is•láp•is•tík) 1: uri ng komedya na galawgaw ang ak-siyon, tulad ng batukán 2: patpat na pamalò ng mga púsong
slaughter (is•ló•ter) 1: pagkatay ng hayop o mga hayop 2: sabayan o sunod-sunod na pagpatay ng mara-ming tao o hayop
slave (is•léyv) 1: alipin 2: tao na buong sipag kung gumawâ 3: kaawa-awang biktima ng nangingibabaw na impluwensiya 4: mákiná o bahagi ng mákiná na kinokontrol ng ibang mákiná
slavery (is•léy•ver•í) 1: kalagayan ng mga alipin 2: nakapapagod na paggawâ 3: kalagayan ng pagkakaroon ng alipin