skin-deep (is•kín dip) : sugat, emosyon, kalidad, at iba pa, pawang hindi malalim at hindi nagtatagal
skin-diving (is•kín dáyv•ing) : pagsisid sa ilalim ng dagat nang wa-lang kasuotan o aparatong pansisid
skipper (is•kíp•er) 1: kapitan ng barko, lalo na sa maliit na barkong pangkomersiyo o pangisda 2: kapitan ng eroplano
skullcap (is•kál•kap) 1: uri ng cap na maliit, hapit, at karaniwang ginagamit sa mga seremonyang panrelihiyon 2: ang hugis bobedang itaas ng bungo 3: yerba (genus Scutellaria) na may calyx na tulad ng helmet
skunk (is•kángk) : mammal (Mephitis mephitis) na kasinlaki ng pusa, guhitang itim at putî ang kulay ng balahibo, at naglalabas ng mabahòng likido mula sa puwit bílang proteksiyon
skydiving (is•káy•dáyv•ing) : larong may akrobatikong mga galaw sa himpapawid mula sa pagtalon sa eroplano o katulad na sasakyan at gumagamit ng parakayda