skateboard (is•kéyt•bord) : maikli at makipot na board na may maliliit na gulóng at sinasakyan nang nakatayô
skating rink (is•kéy•ting ringk) : pook na pinangyayarihan ng iskeyting, na maaaring yarì sa semento, kahoy, o yelo
skeleton (is•ké•le•tón) 1: kalansay 2: tao o hayop na napaka-payat 3: ang nalalabíng bahagi ng anumang nasirà
sketch (is•kéts) 1: krokis 2: maikling talâ o paglalarawan 3: maikling dula, karaniwang nakata-tawa at limitado sa isang eksena
ski (is•kí) 1: isa sa dalawang mahabà at makitid na piraso ng kahoy, karaniwang matulis at pakurba ang dulo sa harap, at ikinakabit sa ilalim ng paa para sa paglalakbay sa niyebe 2: katulad na kasangkapan sa ilalim ng sasakyan o sasakyang pang-himpapawid
skim (is•kím) 1: tanggalin ang nakalutang na krema o latak sa ibabaw ng likido 2: bahagyang sumayad 3: talakayin o basahin nang pahapyaw