slip of the tongue (is•líp of da tang) : maliit na pagkakamaling isinulat o sinabi nang hindi sinasadya
slip sheet (is•líp•syit) : piraso ng papel na inilalagay sa pagitan ng dalawang bagong limbag upang hindi magmantsa
sliver (is•lí•ver) 1: mahabàng piraso o pútol ng anuman 2: piraso ng kahoy mula sa punongkahoy o troso 3: piraso ng nabásag na talukab
slope (is•lówp) 1: nakahilig na posisyon o direksiyon 2: dahilig 3: a pagkakaiba ng antas sa pagitan ng dalawang dulo o gilid ng isang bagay b tangent ng isang anggulo sa pagitan ng hatag na linyang tuwid at x axis
slot (is•lát) 1: bútas at iba pang apertura sa mákiná, para sa pag-papasok ng anuman, gaya ng barya 2: itinakdang pook para sa paghahanay o paggawâ ng iskema, lalo na sa iskedyul ng brodkast
slot machine (is•lát ma•syín) : mákináng pinagagana sa pamamagi-tan ng paghuhulog ng barya, at gina-gamit sa pagsusugal, pagbebenta, o pagtitimbang
slow (is•lów) 1: mabágal 2: sa relo, nagtatanghal ng oras na higit na maaga sa itinakda 3: sa tao, matagal o mahinàng umunawa 4: a sa potograpiya, nangangailangan ng liwanag b may maliit na apertura
slow motion (is•lów mó•syon) 1: ang operasyon o bilis ng film na gumagamit ng mabagal na projection o higit pang mabilis na exposure upang lumitaw na higit na mabagal ang aksiyon kaysa karaniwan 2: ang simulasyon nitó sa tunay na aksiyon
slug (is•lág) 1: uri ng mollusk na sumisirà sa mga haláman 2: a uri ng bála b misil ng baril na de-bomba 3: sa paglilimbag, a , bárang metal na ginagamit sa espasyo b linya ng tipo sa Linotype 4: isang lagok ng inumin 5: yunit ng mass na may bilis na 1 talampakan kada segundo ang lakas ng 1 lb 6: pabilóg na piraso ng metal at katulad
slum (is•lám) 1: pook, karaniwang sa lungsod, na pinananahanan ng mga dukha 2: bahay o gusali na hindi angkop na tigilan o tahanan ng tao