sleep (is•líp) 1: túlog1-3 o pagtúlog 2: kalagayang katulad ng pagtúlog, gaya sa pagpapahinga, katahimikan, o kamatayan 3: hibernation
Sleeping Beauty (is•lí•ping byú•ti) : bidang babae sa kuwentong-bayan na nakatulog nang 100 taon at ginising ng halik ng prinsipe
sleeping sickness (is•lí•ping sík•nis) : sakít na sanhi ng langaw na tsetse (genus Glossina morsitans), kakikitáhan ang maysakít ng pagbabago sa central nervous system na nagdudulot ng antok, pagkawala ng málay, at pagkamatay
slice (is•láys) 1: manipis, sapád na piraso na hiniwa mula sa isang bagay 2: bahagi1 3: kagamitang pangkusina na sapád, malapad, at gilit-gilit ang talim para sa pagsisilbi ng isda, keyk, at katulad 4: sa tennis, pagpalò sa bola na tíla humihiwa sa pamamagitan ng mosyong under-hand at lumilikha ng backspin
slide (is•láyd) 1: dausdos o pagdausdos 2: mabilis na paghinà o pagbabâ 3: pádulásan 4: a landas na pinagpapadausdusan, lalo na sa yelo b slope na inihanda sa yelo o instrumento na dumudulas 5: bahagi ng mákiná o instrumento na dumudulas, lalo na ang slide valve 6: a piraso ng kristal na pinaglalagyan ng bagay na susuriin sa mikroskopyo b transparency na inilalagay sa projektor upang mapanood sa iskrin
slide rule (is•láyd rul) : ruler na may sentrong bahagi na dumu-dulas, may markang logaritmiko para sa mabilis na kalkulasyon, gaya sa multiplikasyon
sliding door (is•láyd•ing dor) : pintuan ng isang apertura na ipina-dudulas kung bubuksan o isasara sa halip na sa pamamagitan ng bisagra
slim (is•lím) 1: manipis, balingkinitan1, o payat 2: maliit o hindi sapat 3: pinaliit ang antas, súkat, o katulad upang maging matipid at maayos ang operasyon
slime (is•láym) : malapot, madulas na putik o anumang katulad na substance, hal slime sa balát ng isda
sling (is•líng) : istrap, sinturon, at katulad na ginagamit na pansalalay o pang-angat ng nakabiting bagay, hal sling sa mga kalakal na inililipat