sa•káy 1: pasahero 2: anumang ikinakarga, karaniwang sa sasakyan, at dinadalá mula sa ibang pook patúngo sa isang pook 3: paglalakbay sa karagatan 4: paggamit ng sagwan
sá•kay 1: pagdating sa isang pook 2: pagtindi ng lamig o init na nararamdaman ng maysakit 3: ang mga tagasagwan at lahat ng táong sakay sa isang bangka
sak•bí•bi 1: kipkip at nakadikit sa dibdib na pagdadalá ng isang bagay 2: pasakbat na pagdadalá ng isang bagay
sak•bít : ibong mandaragit (Accipiter soloensis) na kahawig ng maya at mas maikli ang pakpak kaysa karaniwang lawin