sa•ká 1: akyat1 o pag-akyát 2: pagsalà sa sinaing upang makagawâ ng arina 3: pamamangka nang salungat sa daloy ng tubig
sá•ka 1: a pag•sa•sá•ka paglinang ng lupa b ang lupang nililinang 2: paggiling o pagtalop ng isang bagay 3: kuko ng matandang inahing manok o tandang 4: paa1 5: híngal
sa•ká•da 1: manggagawà mula sa ibang pook na nagtatra-baho nang may suweldong higit na mababà kaysa taal na manggagawà ng isang pook 2: nandarayuhang manggagawà
sa•ka•lì 1: kapag nagka-taon; kapag nangyari, karaniwang ni-lalagyan ng pang-ugnay na –ng o ng ’t, hal “sakaling umulan…” o “kung sakali’t dumating ka…” 2: marahil
sa•kám 1: paghawak sa kamay 2: mapanlinlang na paghikayat sa isang tao na bilhin o angkinin ang isang bagay sa pama-magitan ng pansamantalang pagpa-pagamit, pagpapatago, o pagpapaka-giliw sa bagay at pagkuha nitó upang kasabikan
sa•káng : tao na nakabuká ang ayos ng mga hita at binti at hindi nagdidikit ang mga tuhod hábang naglalakad o nakatayô