sak•láw 1: lawak o layo ng pananaw, gamit, bisà, o operasyon 2: kapangyarihan o karapatan ng isang awtoridad
sak•láy 1: kasangkapang ginagamit na pantukod o pansalalay, karaniwang iniaatang sa kilikili ng pilay o may kapansanan upang makatulong sa paglakad o pagtayô 2: singkaw1 3: balábal 4: laro sa baraha
sak•lít 1: putong3 2: pagkapátid sa lubid, kable, o pantalì 3: yantok o lubid na ipinantatali 4: mabilis na pagkuha 5: paglilipat ng utang sa kamag-anak ng nangutang
sak•lób 1: malukong na pantakip sa palayok 2: pagkakapatong na magkaharap, gaya ng dalawang pinagtaklob na larawan 3: pagpapatong ng sombrero sa ulo 4: pagsososyo sa pamumuhunan gaya ng sa negosyo o sugal
sak•lóng 1: bantas na nagsa-saad na iisang yunit ang napapa-loob na bagay o kantidad 2: a bahagi ng linang na dapat tamnan b bahagi sa ani
sak•lót : biglaang pagdakma sa isang bagay na ibig kunin, karaniwan sa pamamagitan ng mga kuko o kamay
sak•mál 1: pagkagat ng hayop nang biglaan at mariin sa isang bagay, gaya sa pagsakmal sa karne 2: dakma o pagdakma 3: kilos o salita na pakítang tao 4: pagtanggap nang walang pag-aaral o pagsisiyasat