spin (is•pín) 1: paikutin nang mabilis 2: magsulid o gumawâ ng sinulid 3: sa gagamba, gumawâ ng sapot 4: magkuwento ng kung anuman 5: mahilo dahil sa pagkagulat, tuwa, at iba pang matinding damdamin
spinach (is•pí•nats) : gulay (Spinacia oleracea) na may lungtiang dahon na karaniwang ginagawâng salad
spinal cord (is•páy•nal kord) : estruktura sa sentro ng nervous system na nása loob ng gulugod at nagdurugtong sa lahat ng bahagi ng katawan sa utak
spine (is•páyn) 1: gulugod1 2: anumang matigas at patulis na estruktura 3: bahagi ng pabalát ng aklat na tumatakip sa gilid ng páhináng magkakahugpong
spirant (is•páy•rant) : binibigkas ang mga katinig na pinalala-bas ang hininga sa makitid na bútas, gaya ng f o v
spire (is•páyr) 1: estrukturang hugis piramide, gaya ng tore 2: bahagi ng katawan ng punongkahoy na malapit sa mga sanga 3: anumang bagay na may dúlong papanipis o papatulis