strip (is•tríp) 1: makitid na piraso ng lupa 2: kuwentong nakalarawan, gaya ng komiks 3: makitid at sapád na piraso ng bakal
stripe (is•tráyp) 1: mahabà at makitid na guhit na iba ang kulay sa mga kaagapay nitó 2: isa sa makikitid na telang nása mang-gas ng uniporme at palatandaan ng ranggo
striptease (is•tríp•tis) : pagtatanghal ng isang mananayaw, babae o laláki, na unti-unting naghuhubad sa saliw ng musika
strong (is•tróng) 1: malakas at matibay 2: makapangyarihan, kung sa pinunò 3: matapang, kung sa alak 4: masakít, kung sa pananalita 5: matatag na ekonomiya 6: nakasusulasok, kung sa amoy
strophanthin (is•tro•fán•tin) : alinman sa mga pangkat ng na-kalalasong glycoside mula sa punong-kahoy (Strophatus at Acokanthera) at ginagamit na pampasigla sa puso
strophe (is•trów•fi) 1: galaw sa sayaw ng koro sa teatro ng sinaunang Griyego 2: anumang hiwalay na bahagi ng tula at walang sinusundang padron
strychnine (is•trík•nin) : alkaloid na putî, kristalina, mapait, at nakalalason na mula sa haláman (genus Strychnos) at ginagamit na stimulant
stud (is•tád) 1: pakò o buton na nakausli sa rabaw lalo na bílang dekorasyon 2: hikaw na maliit at bilóg 3: awtomatik na butones 4: a kabayong bulugan b pook na alagaan ng mga kabayong ito 5: stallion 6: bansag sa laláking may reputasyon na mahusay sa sex