study (is•tá•di) 1: áral1,3 o pag-aaral 2: silid-aralan 3: surì1 o pagsusuri 4: sangay ng karunungan 5: borador1 6: panimulang ilustrasyon, guhit, o komposisyon 7: a aktor na gumaganap sa isang papel b pagsasaulo ng linya
stuffing (is•tá•fing) 1: palamáng inilalagay sa almohadon at iba pa 2: anumang ipinalalamán sa mga putahe ng karne o isda
stunt (is•tánt) : pagtatanghal na nagpapakíta ng kasanayán ng isang tao, tulad sa atletika at akrobatika
sturgeon (is•tér•dyon) : isdang-alat o isdang-tabáng (family Acipenseridae) na kahawig ng pating at ginagawâng caviar ang itlog
Sturm und Drang (is•túrm unt drank) : literal na nangangahulugang “unos at ligalig”; estilo o kilusan sa sining noong ikalabing-walong siglo na natatangi dahil sa pagdiriwang sa indibidwal na sensibilidad, pananalig sa kutob, at masidhing nasyonalismo