stylus (is•táy•lus) 1: sinaunang pansulat na may matulis na dulo at pambura ang kabilâng dulo 2: matulis na istrumentong pang-ukit o pangguhit 3: karayom ng ponograpo
Styx (is•tíks) : isa sa mga ilog sa ilalim ng daigdig at pinama-mangkaan ni Charon upang magha-tid ng kaluluwa ng mga patáy
sub- (sab) 1: hinggil sa higit na mababàng posisyon o kalagayan, hal subsidiary 2: humigit kumulang; halos, hal subvert 3: hinggil sa pagtulong o pagtangkilik, hal subsidize 4: may higit na mababàng bílang kaysa normal, hal subchloride
su•bá 1: pagpatáy sa bága o ningas 2: pagsubok sa tigas ng talim sa pamamagitan ng paglubog ng patalim na nagbabága sa tubig
su•bà 1: kumbulsiyon 2: paglinlang sa pinagkakautangan 3: pamamangka o paglangoy na pasalunga sa agos ng ilog