stratify (is•trá•ti•fáy) 1: isaayos nang suson-suson at sapin-sapin 2: uriin o magpangkat ayon sa edukasyon, kayamanan, at iba pang pamantayan
stratum (is•trá•tum) 1: patong o magkakapatong na sub-stance gaya ng bató, mineral, at iba pa 2: suson ng tissue 3: panlipunang uri 4: sa estadistika, alinman sa mga pangkat panlipunan na inuri batay sa edukasyon, kinikíta, at iba pa
strawman (is•trów•man) 1: pigura ng tao na yarì sa dayami 2: mahinà at gawâ-gawâng argumento na madalîng sagutin
streamline (is•trím•layn) 1: may payak at higit na episyenteng estruktura o organisasyon 2: pagkakatanggal sa trabaho
stream of consciousness (is•trim ov kón•syus•nés) 1: mga pangyayaring dumadaloy nang tuloy-tuloy sa isipan 2: estilo sa pagsu-sulat na ipinakikíta na tuloy-tuloy ang isipan at damdamin, at hindi sinasag-kaan ng obhetibong paglalarawan o kumbensiyonal na diyalogo