submission (sab•mí•syon) 1: a paghaharap o paghahain b anumang bagay na inihaharap 2: pag-sunod, pagsuko, o pagkamababâng loob 3: mga nakasulat na argumento na inihaharap ng abogado sa hukom
sub•mít 1: isuko o sumuko 2: magharap ng anuman upang ma-bigyan ng konsiderasyon o desisyon 3: mapailalim sa isang operasyon, proseso, at iba pa
su•bó 1: pag-awas ng kumu-kulong tubig dahil sa init 2: paglulubog ng metal o patalim sa tubig hábang nag-babága upang timplahan ang tigas ng talim
su•bò 1: paglalagay ng anu-man sa bibig, karaniwang pagkain 2: dami ng pagkaing lamán ng kutsara 3: kalagayang hindi na makaiiwas o makauurong 4: isang uri ng halaman
sú•bong 1: subsob o pag-subsob 2: paghahalò ng iba’t ibang metal 3: paghahalò-halò sa mga salita o pagsagot ng pakikipag-away
su•bór•di•ná•do 1: tao na nagtatrabaho sa ilalim ng kapangya-rihan o pangangasiwa ng iba 2: sugnay na pantulong