sub•he•ti•bís•mo : ang doktrina na subhetibo at relatibo ang karunungan, moralidad, o pagtingin, at walang obhetibong katotohanan
sub•he•tí•bo 1: hinggil sa pansarili o personal na pagkiling 2: hinggil sa pansariling kamalayan o pagtingin 3: nása kaukulang palagyo
su•bí•da 1: áhon1 2: a pagdalaw ng doktor sa tahanan ng may-sakít upang manggamot b halagang sinisingil para sa serbisyo
subject (sáb•dyek) 1: paksâ1 2: asignatura 3: tao na nása ilalim ng kapangyarihan ng sinuman 4: simuno1
sub judice (sab dyu•dí•si) : pinag-aaralan ang pagpapasiya ng hukom o korte; naghihintay ng pasiya ng hukom
sub•lí 1: ritwal kaugnay ng panata sa Mahal na Poon ng Santa Cruz at karaniwang itinatanghal sa mga bayan ng Batangas 2: awit at sayaw na ginagamit sa naturang ritwal 3: saulì1 4: pabago-bagong direksiyon ng paghihip ng hangin 5: pag-alpas sa bitag ng hayop na nahuli ng mangangaso