sa•lá•lak : tíla gunting na dalawang kawayan at ginagamit sa pagbabangon ng haligi at mabibigat na bagay
sa•lá•lay 1: patag na lalagyan o sisidlan gaya ng platito na pinapatú-ngan ng tása 2: lalag-yang may tubig na pinapatúngan ng baso, bangang maliit, plorera, at mga katulad upang hindi akyatin ng langgam
sa•lám 1: kakayahang manatili nang matagal sa ilalim ng tubig 2: sinaunang pagsubok na isinagawâ sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig ng ulo ng nagkasála
sa•la•mán•der 1: tíla butiking (order Urodeles) amphibian na walang kaliskis at mamasâ-masâ ang katawan 2: hayop na pinaniniwalaang maaaring tumigil sa apoy nang hindi nasusunog
sa•la•máng•ka 1: mapanlinlang na salita, gawâ, o pagtatanghal 2: lihim na karunungan sa paggawâ ng iba’t ibang uri ng kababalaghan