sam•pran•sís•ko : palumpong (Cordiaeum variegatum) na makapal at mabalahibo, may iba’t ibang hugis ang dahon, at may bulaklak na walang talulot
sam•pû 1: pamilang na katumbas ng siyam at isa 2: salitâng bílang para sa 10 o X 3: ang súkat o halaga na sampu
Sám•son : pinunòng Israelita na kilalá dahil sa kaniyang lakas na nagmumula sa kaniyang mahabàng buhok
samurai (sá•mu•ráy) 1: opisyal ng hukbo 2: kasapi ng mandirigmang mula sa uring piyudal at kilalá sa katangiang matapat, matapang, at masigasig