sá•naw 1: maliit na tubigan o putikan na likha ng pag-apaw ng tubig 2: am 3: tulo1 4: gabíng maliwanag 5: patís
sá•nay 1: paraan ng ulit-ulit na paggawâ sa isang bagay upang humusay 2: mga leksi-yon o gawain na dapat sundin para humusay
sa•nay•sáy 1: maikling komposisyon na may tiyak na paksa o tema, karaniwang nása prosa, analitiko, at nagpapahayag ng interpretasyon o opinyon 2: anumang komposisyong katulad nitó
sanction (sángk•syon) 1: pahintulot 2: pagpapatibay ng batas 3: a parusa sa paglabag sa batas o gantimpala sa pagsunod b probisyon na naglalamán nitó 4: batas
san•da•kót-na-bi•gás : yerba (Pilea microphylla) na may maliliit at habilog na dahon, at mga bulak-lak na lungtian na may halòng pulá, katutubò sa Timog Amerika
san•dál 1: paglapat ng likod sa anuman o sinuman 2: pagdaiti ng bagay na nakatayô sa isang bagay 3: pag-asa sa tulong ng iba
san•da•lî 1: sa oras, ikaanimnapung bahagi ng isang oras; binubuo ng animnapung saglit 2: napaikling panahon