san•dál•yas 1: sapatos na may suwelas na karaniwang katad at may istrap na nakakabit sa paa 2: alinman sa iba’t ibang mababàng sapatos
san•dá•ta : bagay na idinisenyo o ginagamit upang maka-sugat, makasakít, o makapatáy, hal patalim, baril
san•dá•tang nuk•le•ár : malakas na sumasa-bog na sandata batay sa hindi makontrol na pagpapalabas ng enerhiya mula sa atomic nuclei
sánd•bag : sako na punô ng buhangin at karaniwang ginagamit bílang pansamantalang depensa laban sa pagsabog o bahâ
sánd•blast 1: pagbuga ng h-angin o singaw na may halòng pinulbos na diyamante upang palamutian ang matitigas na rabaw, gaya ng kristal, bató, o metal 2: kasangkapang ginagamit sa gayong gawain
sandbox (sánd•baks) 1: kahon ng buhangin na ibinubudbod sa riles ng tren upang hindi dumulas 2: buhanging nása kahon at pinag-lalaruan ng mga batà